Wednesday, September 9, 2009

namimiss? ikaw? hinde no.

kanina lang kumain ako mag-isa ng creme brulee cupcake;
yung madalas kong dala para sa yo
na mas lamang ang hati mo palagi,
naalala mo?

kanina
yung cupcake--
hinati ko sa dalawa,
nung paubos na yung akin,
kinain ko na rin yung hinati ko para sa yo.


naalala ko
wala ka na nga pala
wala nang kakain nun.

09.09.09
sa station ko

No comments: