Monday, September 21, 2009

Natutupad Naman Pala Ang Mga Wishlist

haha.
oo naman.
Sa birthday ko, marami akong hiningi, pero hindi ako umasang may darating.
Mahirap ang buhay ngayon.
Minsan pa nga nadedebit ang account mo ng lecheng bangko mo sa bisperas mismo ng kaarawan mo.
Pero, matatanggap mo rin yun, matapos mong matulog at makaligo.
Marerealize mo na,
yung mga taong nagmamahal sa yo,
mamahalin ka pa rin at babatiin sa birthday mo,
pakainin mo man sila o hindi.

salamat sa mga sumusunod:
-kay mariah, sa jansport na bag
-sa mga ahente ko, *hindi ko alam kung sinu-sino silang nag-ambagan* sa havaianas IPE at sa red ribbon na cake.
at sa mga nagrereview para sa nursing board exam na pumunta sa opis ng alas dose ng gabi para batiin ako, na kung saan ntouch ako ng patal na patal.
-kay brosia, sa replica ng nikon dlsr at sa hello kitty na binalot nia at tinali ng electrical tape, at sa vintage na card na may cheesyng sulat
-kay tina, at sa mga taga-psc na sumulat ng notes at greetings gamit ang mga papel ni jary.
-kay nanay joycie, isa sa mga last kong iisipin na makakalaala dahil sa gap namin nuon.
-sa lahat ng bumati,
-kay mamai sa paggawa nung powerpoint at paggreet ng napakaaga-- ala singko ng umaga ng Sept 15. *eh sept 16 yung birthday ko eh*

ayun yun eh.

No comments: