Monday, October 5, 2009

eto na naman tayo sa mga signs...

sinasabi ko na nga ba.
hindi talaga magandang ideya yang paghingi-hingi ng signs kay Mang Jessie.
kita mo,
kanina, habang nililigpit ko lahat ng dapat ligpitin
kung kelan naniniklop na ng mga dapat tiklupin
at sinimulan ko nang magsunog ng mga dapat nang abuhin,
sumagi pa rin sa isip ko ang paghingi ng mga signs.
na kung tama na, magmessage ka.
kasi nga, mas madalang ka pa sa patak ng ulan sa Sahara kung magparamdam.

ayun.
sa kung anong hanging bagyo ang dumapo sa yo eh ngonline ka bigla.
sabi'y, karenderya, karenderya.
hay nako.



pero alam mo,
nangiti ako.
malakas pala talaga ako ke Mang Jessie.
*wink*

No comments: