Monday, October 5, 2009

Karenderya as: Kilabot ng FX, Jipney, at taxi drivers ng Makati Series:

disclaimer: hindi ako masamang tao. hindi rin ako pilosopo na wala sa lugar. lahat may basis. lahat may dahilan kung bakit nagiging ganun ang kinahahantungan nila kapag ako ang nagiging pasahero nila.

KAren: ayala po kuya, sa may Insular lang. Pwede na po tayung mag-Buendia tapos Paseo nalang, mas malapit po ata.
Manong: ay magAyala nalang po tayo, mtrapik po sa Buendia ngayon.
Karen: Jan lang yan sa may ramp, hindi yan, gabi na man na.
Manong: hindi po matrapik po talaga.
Karen: o sya watever.
Manong: Ayala nlang ho tayo ah.
Karen: watever Manong.

*byahe byahe byahe* Matrapik din naman sa EDSA Ayala at sangkatutak ang stop light. Sa Glorietta palang 60 pesos na ang metro. E samantalang 60 lang ang pamasahe ko mula sa gate namin hanggang Insular.

Pagdating sa kanto ng Ayala at Paseo, ilang kembot bago ang Insular, kung saan ako bababa:

Karen: O sabi seo Manong walang trapik sa Paseo eh. tsk tsk.
Manong: Ngayon na lang po yan mam.

*pumara na ang taxi sa babaan. meter reads: a whopping 97.50 pesos.

Karen: *iniabot ang 100pesos na buo at badtrip. sobrang badtrip* o bayad ho.
Manong: *mumbling* 97.50...wala pong barya mam eh.
Karen: kapag ba ako kulang ng 2.50, pabababain mo ba ako sa taxi mo?
Manong: *kamot-ulo. sabay labas ng taxi sa umuulang gabi pra maghanap ng 2.50 na panukli*

No comments: