Sunday, July 5, 2009

down to the very last few days… March 23rd, 2006

wla na dapat akong karapatang mgsulat sa blog ngaun dahil lagpas ulo na ang trabaho nming hindi mtapos tapos. pro kelangan. ang blogging ay katulad ng pag iyak, paminsan. mdalas mong maalala kapag malungkot ka at akala mo’y wla nang bukas ang mundo. nkakagagaling ng sama ng loob. nkatatawag ng pansin.

anim na oras na akong nsa lrc ngaun. mlapit ko nang matapos ang thesis nmin,final touches nlang. nawawala pa kasi ang kpartner ko. kaya mgblog nlang muna.

huling ilang araw nlang nmin ito sa up. huling pinakamahalagang araw at hindi na dapat bumitaw. ang panahon nmin ngaun ay parang bullet train. kami nman ang sakay.pero hindi sa loob, hindi nkaupo kundi nasa labas ng tren. sa mga railings kung saan tanging ang pagkapit lng nmin ang tanging mkakapagligtas sa amin. nililipad kmi ng hangin.ang buo nming katawan.humhampas sa mga sanga na aming dinadaan.mrami nang galos at salubsob pero kelangang kumapit ng maiigi, huwag bumitaw.dahil baka sa pagbitaw ng isa man sa amin, bka hindi na mkakapit muli at tuluyan nang maiwanan..nsa susunod na estasyon na ang bababaan nmin. masyado nang matagal ang tiniis nmin para kumapit. wag ngaun. hindi dapat.

maka.moment nga uli mamaya.

No comments: