Sunday, July 5, 2009

kapag umuulan nga naman…bumubuhos…bumabaha…March 14th, 2006

sinasabi ko na nga eh. ayaw kasing maniwala. sa kahit anong pagkakataon, wag kalimutang magdala ng payong. gaano man kaaliwalas ang araw, maya-maya maaaring umuulan din.at kadalasan, gaya ng ngayon, bumubuhos at binabaha ka.hindi ka kasi nakikinig eh.

nung isang gabi, inisip ko na un. pano kaya kung magkita kami ulit?me isang taon na ata mula nung last kming magkita.a hindi, exagg nman. pero, oo matagal tagal na rin. hndi ko sya tinetxt o ngpaparamdam. wla na nga akong mga katarantaduhang blog na sinusulat kasi alam ko, madalas niang basahin to. parang bumabalik lang uli ung mga pinagsasasabi ko noon. oo ngmove on na ko. t**ngina nman, sa sobrang tagal na no’n, hanggang ngaun ba umaasa ka pa rin ke godot?

sabi ko nga hindi na. e pro bakit ganun. knina, sa me di kamahalang fast food sa isang panulukan sa tacloban, habang pauwi kmi galing shopping galore sa ukay ukay, tumigil na nman ang mundo ko. kagaya ng pagtigil nito nung una, nung miting di avanci, bago ako tawaging upv usc. parehong pareho. gago kasing villamor, hindi man lang ngpasintabi. alam ko nang me anomalyang magaganap nang tumigil sa paglakad ang villamor at biglang pinakita ang "close up" smile niya. pero bakit ni hndi ko man lang naisip na maaaring siya nga yun. huli na nang malaman kong andun siya. para akong binuhusan ng isang dram na creme brulee zagu.at ung mga pearls, isa-isang kumokotong sa akin. mabilis akong lumakad palayo.ewan ko kung nakita nia ko. malamang. sa laki kong to, sobra naman kung hindi.ayoko na sanang bumalik.hinanap pa ako ng maphene at mabel na mas excited pa sa akin.saka nila pinaalala sa aking "kadayao" nga pla ngaun, at suot ko ung bubble gum shirt kong suot ko nung bday ko 2 taon na ang nkakaraan*. tsk tsk.

bumalik kami. para bumili kunyari ng iced tea. pero sa totoo, hindi ako nauuhaw, hindi ako nagugutom. lumapit ang mokong sa akin para humiram ng bolpen. hanep. super sayan.(tama ba sfelling?) naghanap ako ng bolpen sa bag ko. kasabay ng paghagilap ko kung me natitira pa ba sa nakaraan. aba. hanep. meron pa nga.

tas umalis na sila.parang wala lng. mas malamig pa ang kamay ni maphene sa akin. at infairness, mas doble ang gabutil na mga pawis sa noo niya kesa sa akin.hanep.ang saya ng araw ngaun. kadayao.si kadayao. ang penshoppe na tshirt.tama ang mga simbolo. ayos na sana.

kagabi. ngtapat na ako.ng pagibig.**ai sows**. pero hndi sa kanya. kay manong.kaya lang, mukang d naniwala. akala ko ayos na ang lahat. akala ko sa pagamin kong yun ng kasalukuyan kong nararamdaman, kasabay na nun ang paglimot sa nakaraan.mali pala.

sana hindi ko siya nakita.bak to square one na naman.

tsk tsk…magdala kasi ng payong. ang kulit eh.tingnan mo, bka malunod ka tuloy niyan ngaun.

*para sa mga taga subaybay, alam niong mhalaga ang mga simbolong ito…

No comments: