malayo ang lalakbayin ko
at mukang matagal pa bago ako bumalik.
sinabi ko naman sa yo,
hindi ako magtatagal
sana’y hindi mo dinamihan ang pagsaing ng bigas
at pagpaksiw ng isda.
hinihintay ko lang ang pagtila ng ulan.
patawad. hindi ko kagaad naiusal ang sadya ko.
hayaan mo lang kung marami ang inhanda ko
kung hindi man natin maubos yan ngaun
marami pa ang magdaraan
at pihadong sasalo sa akin
wag kang mabahala
hindi yan agad mapapanis.
mabuti kung ganoon.
mauuna na siguro ako
tapos ang pagulan.
malayu-layo pa ang lalakbayin ko
hindi ako sigurado kung makdaraan pa akong muli.
hihintayin kita ganunpaman.
mangyari’y kung ibang daan na
ang iyong tatahakin
sa susunod mong paglalakbay,
ipaghahanda pa rin kita
ng paksiw at kanin;
ng pagsamo at pananabik…
para ito sa kanya. alam kong hindi na maibabalik ang dati, at maari ngang dumaan lng siya ng panandalian. ganunpaman, salamat. ikaw pa rin ang pinaka importanteng tao para sa akin…
No comments:
Post a Comment